^

Metro

High school student, itinumba sa Baseco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang binatilyo ang pi­nag­babaril at napatay sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa man tiyak sa  pagkakakilanlang sinasabing ang biktima ay nag­nga­ngalang Paul David Fran, tinatayang nasa 16-anyos, estudyante ng Batangas National High School, batay sa nakuhang identification card sa bangkay nito.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Charles Licyayo ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubreng duguan at nakabulagta ang biktima dakong alas-11:55 ng  gabi  sa 11th Street, Port Area, Maynila.

Hindi pa tukoy ang motibo at kung sino ang responsable sa krimen habang wala pang lumulutang na kaanak o kakilala ng nasawi na pwedeng kunan  ng impormasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with