^

Metro

Barker niratrat sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang barker ng jeepney makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa babaan at sakayan ng pasahero sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Cornel, 25, ng Saint Catherine St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Ayon kay PO3 Jim Bara­yoga, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Commonwealth Ave­nue kanto ng Alley 6, Bgry. Batasan Hills, QC, dakong alas 2:15 ng madaling araw.

Base sa pahayag ng isang testigong si Ashnea Disilo, busy umano siya sa pag-aasikaso ng kanyan g mga paninda nang marinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa sakayan ng jeepney sa naturang lugar.

Dahil dito, agad na tinignan ni Disilo, ang pinagmulan ng putok hanggang sa makita ang walang buhay na katawan ng biktima habang duguang nakahandusay sa kalye.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, narekober ang anim na basyo at isang bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa naturang insi­dente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with