^

Metro

Vendor nagpautang na, pinatay pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang vendor nang barilin ng isang lalaki na may utang sa kaniya nang magkasalubong sila sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat kahapon ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, nagawa pang isugod sa Mary Johnston ang biktimang si Bernard Bonnie Franco, 36, residente ng C. P. Garcia St., Tondo, pero hindi na rin naisalba ang buhay nito dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.

Isang alyas Mac-mac ang pinaghahanap ng pulisya na tumakas matapos ang pamamaril.

Nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga nang magkasalubong  ang dalawa sa Duhat St., malapit sa  panulukan  ng C. P. Garcia St., Tondo.

Napag-alaman na may pagkakautang ang suspek sa biktima at matagal nang hindi umano  nagpapakita hanggang sa magkrus ang landas nila.

Kasama umano ng biktima ang isang Bryan Cruz nang makasalubong nila ang suspek  na mistulang nagulat pa.

Posible umanong umiiwas ang suspek at nagkataon na nakita ang biktima at sa halip na makiusap ay bumunot ng baril at pinutukan ang biktima sa dibdib at saka tumakas.

Dinala naman ni Cruz sa pagamutan ang kaibigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with