^

PSN Opinyon

Hindi rin maibibigay kaagad

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG natatandaan ninyo, hindi ipinatupad ng Aquino administration ang pagbigay ng P2,000 dagdag sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS), dahil mauubos umano ang pondo. Ikinagalit ito nang marami. Ngayon, inaprubahan naman ng Kongreso ang dagdag na iyan, pero hindi pa ipinatutupad, dahil pinag-aaralan pa kung paano gagawin. Lumalabas na mauubos nga ang pondo ng SSS kung basta na lang ibibigay ngayon ang dagdag na ito sa mga retiradong miyembro.

Ilang posibleng solusyon ang pinag-aaralan ng SSS. Pero hindi talaga maibibigay ng buo ang P2,000 dagdag kaagad, tulad ng inaaasahan nang marami. Ayon sa SSS, kakailanganin ng P56 bilyon para pondohan ang pagbibigay ng P2,000 ng isang taon, pati ang 13th month, sa mga retirado. Isang taon pa lang iyan. Isa sa mga pinag-aaralan ay ibigay ng hulugan ang dagdag sa loob ng apat na taon. Ibig sabihin, P500 lang ang idadag­dag kada taon hanggang 2020. Ito ay para makaipon din ang SSS ng pondo para sa mga miyembrong nanga­ngailangan.

Ilang mga solusyon na pinag-aaralan din ay ang pagbigay ng dagdag, base sa edad ng retirado. Mas nanga­ngailangan ang mga matatanda kaysa sa mga mas batang retirado. Kaya sila ang uunahin. Isang solusyon naman ay hindi ibibigay ang nasabing dagdag, pero kikita ito ng interes sa loob ng limang taon kung kailan puwede nang ilabas. Parang time deposit, ika nga. Pabayaan lang ng limang taon para kumita. Walang magagawa kundi hintayin ang limang taon bago mailabas ang pera, kasama na ang kinitang interes.

Hindi madali para sa gobyerno ang mangako ng pera basta-basta. Kaya hindi ito ipinasa muna ng nakaraang administrasyon, nang hindi pinag-aaralang mabuti. Kailangan may panggagalingan ang dagdag na perang ibibigay. Ganito rin ang problema ng mga pensiyon ng pulis at sundalo. Hindi rin malaman kung saan kukunin. Kaya naman kung anu-anong mga planong patawan ng buwis ang gobyerno, para nga mapuno ang kaban ng bayan. Sa dami ng ipinangako ng administrasyong Duterte – sa mga sundalo, pulis, pati na mga retirado – kailangang may panggagalingan ito.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with