^

Metro

4-anyos patay sa 14-anyos na pinsan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang apat na taong gulang na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang bigtihin at saksakin ng kanyang 14-anyos na pinsan sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU), ang nasawi ay nakilalang si Scarlette Masca­reñas, na nagtamo ng ligature mark sa kanyang leeg, laslas sa kanyang labi at mga pasa sa kanyang mukha at katawan.

Ang itinuturong suspek na itinago sa pangalang Boy  ay hawak na rin ng kinauukulan na umamin sa kanyang nanay na siya ang responsable sa nasabing krimen.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Anthony Tejere­ro, may-hawak ng kaso, nangyari ang in­si­dente sa kanilang tinutulu-yan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon  City, da­kong alas-12:30 ng tanghali.

Lumilitaw na ang biktima at ang suspek ay magpinsan na magkasamang naninira-han sa iisang bahay sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, iniwan umano kay Boy ang biktima para ala­gaan.

Makalipas ang  ilang oras, nang duma­ting  sa kanilang bahay ang kapatid ni Boy mula sa trabaho ay doon  natagpuan ang paslit na biktima habang nakahigang duguan sa ibabaw ng kanyang kama habang si Boy naman ay nakaupo sa gilid nito at may hawak na patalim at duguan ang mga kamay.

Agad na isinugod ang paslit sa East  Ave­nue Medical Center, para magamot subalit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Sabi ni PO3 Teje-rero, base sa pagsisi­yasat sinasabing na-galit umano si Boy sa biktima dahil ayaw ng huling matulog kahit pinapatulog niya. Gayunman, iniimbestiga-han pa rin ang nasabing insidente.

Samantala, si Boy na kinokonsiderang isang Child in Conflict with the Law ay ipina-sa na sa pangangala­ga ng Women and  Children’s Protection Desk (DSWD).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with