^

Metro

Pagtaas ng drug dependents sa Quezon City, ikinaalarma

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaalarma si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na siya ring Chairman ng QC Anti Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) sa inaasahang pagtaas pa ng bilang ng mga drug dependents sa lungsod na takdang sumuko sa gobyerno.

Ito ay sinabi kahapon ni Vice Mayor Belmonte nang pa­ngunahan ang QC Drug summit kasama si QC Police Chief Guillermo Eleazar na dinaluhan ni QC Mayor Herbert Bautista at ibat-iba pang grupo at sektor.

Sinabi ni Vice Mayor Belmonte na sa ngayon umaabot na ng halos 8,000 ang drug surrenderees at nag-ulat sa kanya ang QC police na may 20 percent pa ng mga drug dependents ang susuko sa lokal na pamahalaan.

“For me its alarming kaya nga we give a lot of services,  kailangan ng drug dependency evaluation, kailangan pa natin bigyan sila ng counseling ng 24 sessions, kailangang e-document  sila properly para malaman natin ang ugat ng problema kung bakit naging user sila. Karamihan sa kanila unemployed kaya gumagawa tayo ng mga paraan na maayos ang mga poverty related issues sa QC at iba pang  konektadong problema para ma-address yan and  prevent it, tuloy-tuloy ang ating mga programa para sa kanila”, pahayag ni Belmonte.

Sinabi rin ni Belmonte na ikinatuwa niya na ang mga hakbang na ginagawa kontra droga ay gagamitin ng DILG sa ibat-ibang lugar sa bansa.

“ I was happy when I presented the video  sa dilg at sinabi sa akin na gagamitin  nila ang video ng QC kontra illegal drugs sa buong bansa and I found that that’s very encouraging, that’s why ang bilis natin kumilos just  to show that in the qc tuloy-tuloy ang mga programa riyan”, dagdag ni Belmonte.

 Umaasa rin si Belmonte na matamo ang pangarap na maging Zero drugs ang QC.

Una rito, sinabi ni Bautista sa kanyang talumpati  ang planong paglalagay ng drug rehabilitation sa bawat distrito sa QC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with