^

Metro

Shootout: 2 holdaper dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawa umanong notoryus na mga holdaper makaraang manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang follow-up operation matapos holdapin ang isang babae sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Elario Wanawan,  may hawak ng kaso,  nakilala ang mga nasawi na sina Marlon Serenio, 22, at John Paul Ocdina, 19, kapwa mga residente sa Brgy. Ramon Magsaysay sa lungsod.

Sila anya ay dati nang kabilang sa watchlist drug personalities ng Police Station 2.

Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez, commander ng Masabong Police Station, nakasagupa ng kanilang tropa ang mga suspek sa isang operasyon sa may bakanteng lote sa 1012 Edsa northbound malapit sa Corregidor sa naturang barangay dakong alas-4:08 ng madaling araw.

Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo na kanilang hinoldap na si Mary Rose Tapic sa may kahabaan ng Edsa kanto ng Congressional Avenue dakong alas -11:00 ng Miyerkules ng umaga.

Kasama ng mga suspek sa panghoholdap kay Tapic ang isang Joel Gadil na siyang tumutok ng baril sa huli at tumangay ng cellphone na nagkakahalaga ng P5,000.

Nakilala ng biktimang si Tapic mula sa rogue gallery ang mga suspek sanhi upang magsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba sa pangunguna ni P/Chief Insp. Erwin Guevarra sa naturang lugar.

Pagsapit ng alas-4 kahapon ng madaling araw, naispatan ng tropa ni Guevarra ang mga suspek sa Congressional Street., habang nakatayo at naghihintay ng kanilang bagong biktima.

Pero nakatunog umano ang mga suspek na may mga ope­ratiba kaya pinaputukan nila ang mga huli na gumanti rin ng putok at agad na ikinasawi ni Serenio habang isinugod naman sa Quezon City General hospital si Ocdina para magamot subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang kalibre 45 at kalibre 38 baril, basyo ng mga bala, 17 piraso ng plastic sachet ng shabu, tatlong cellphone, tatlong wallet, mga drug paraphernalia. at dalawang piraso ng P100 bill.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with