Magnum Skyjet aircraft, nag-emergency landing sa NAIA
MANILA, Philippines – Isang Magnum Skyjet aircraft flight MSJ 817, at may registry number RP-C5255 na may sakay na 44 pasahero at 4 crew ang nag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) domestic runway 13-31, kahapon.
Base sa official report na tinanggap ni MIAA general manager Eddie Monreal, ang 50-seater aircraft, flight MSJ 817 ay umalis ng Batanes dakong alas-8:16 ng umaga papuntang Manila ng isa sa mga nose wheel nito ay natanggal sa pag-take off sa Basco airport.
Walang iniulat na nasaktan sa mga pasahero at crew members na sakay nito matapos ang emergency landing.
Ayon sa ulat, ang Basco Flight Safety Standard [FSS] ay nag-radyo sa piloto na si Capt. E. Tamayo at co-pilot Capt. J. Jatico tungkol sa pagkatanggal ng nose wheel sa Basco runway pero ito naman ay agad na nakita sa lugar.
Hindi nawalan ng loob ang piloto kaya idiniretso niya ang paglipad at pagbaba sa NAIA runway kahit na wala ang isang nose wheel landing gear nito.
- Latest