^

Metro

Catenary wire ng LRT-1 nasira, deployment ng mga tren, naantala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naantala ang deployment ng mga tren ng Light Rail Transit (LRT-1) makaraang masira ang ‘catenary wire’ nito sa LRT depot sa Baclaran na siyang nagbibigay ng po­wer supply sa mga bagon.

Nabatid mula sa command center ng LRT-1 na dakong alas-5:30 ng umaga nang masira ang catenary wire at dahil sa nangyari ay 13 tren lamang ang nai-deploy na bumiyahe mula Baclaran sta­tion patungo ng Roosevelt Ave. station.

Napag-alaman na ang normal na bu­mi­biya­heng tren araw-araw ay 28 at da­hil sa hindi inaasahang pangyayari ay hu­maba ang pila ng mga pasahero sa bawat istas­yon ng LRT-1.

Patuloy naman ang pagkukumpuni ng engi­­neering team ng LRT-1 sa nasirang wire.

Pinapayuhan ng pamunuan ng LRT-1 ang mga pasahero na maghanap ng alter­natibong masasakyan upang hindi ma­abala sa kanilang mga lakad.

“LRT-1 passengers are advised to con­sider other options to avoid delays on their trips,” ayon pa sa abiso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with