^

Metro

2 utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang babae  sa pamamaril ng mga backrider ng dalawang motorsiklo sa magkahiwalay na barangay sa Quezon City ilang minuto lamang ang pagitan, ayon sa ulat ng pulisya, kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang mga nasawi na sina Mark Jill Ambat, 21, at Jerica Ang, ng Sampaguita St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na unang nangyari ang pamamaril kay Ambat sa kahabaan ng Kalayaan B. St., kanto ng Kalusugan St., Brgy. Batasan Hills, QC, dakong alas-11:15 ng gabi.

Nabatid na naglalakad si Ambat kasama ang kapatid na si Vinalyn at pinsang si Grace Cervera nang biglang sumulpot mula sa likuran nila ang mga suspek saka pinagbabaril ng isa sa mga huli ang biktima at tumakas.

Sinasabi sa pagsisiyasat na ang biktima na sangkot sa iligal na droga ay naging drug dependent at dalawang buwan ang nakakalipas ay sumuko na ito sa ginawang operation ‘Oplan Tokhang’ ng pulisya.

Samantala, dakong alas- 11:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril kay Ang sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa harap ng isang simbahan sa Brgy. Commonwealth QC.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Jerome Dollente, may-hawak ng kaso, bago ang insidente, si Jerica at kinakasamang si Toto Sarmiento, ay inaresto noong September 27, 2016 ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) sa lugar dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na aktibidad ng droga.

Diumano, nagawang ma-ka­laya ang dalawa nang ang tatay ng biktima ay nagpunta sa barangay hall ng Commonwealth para maayos ito sa BPSO.

Kaya sa naturang oras, habang ang biktima kasama ang kanyang tatay at kanyang sister, gayundin ang live-in partner na si Sar­miento ay naghihintay ng ma­sasakyang jeepney para sunduin ang anak ng una sa Lagro ay biglang dumating ang apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

Mula dito ay bumaba ang gunman at binaril ang biktima sa ulo. Nagawa namang makatakbo palayo ng kaanak ng biktima at ni Sarmiento.

Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with