^

Metro

Barangay officials, kabilang sa 32 high-value drug suspects ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 32  high-value illegal drugs suspects  ang tukoy na ng Manila Police Districts na kinabibilangan ng mga baran­gay chairman at kagawad  bunsod na rin ng pagiging drug pro­tector at  big time drug dealer ng mga ito.

Sa ginanap na Manila City Hall Press Club  Newsbreak sa Cherry Blossoms Hotel sa Ermita, sinabi ni MPD Director Sr. Supt. Joel Coronel na minamanmanan na ng kanyang tauhan­  ang galaw ng mga suspects kabilang ang nagtatago na sa  mga probinsiya. Ayon kay Coronel, nakakalungkot lamang na  kasalukuyang nasa puwesto ang mga high-value suspects   na dapat sana ay ehemplo sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, binigyan diin din ni Coronel na nailipat na ang  16 na ninja cops na nagre-recyle ng mga kinumpiskang illegal drugs sa Mindanao at Cordillera Region. Subalit tumanggi na itong pangalanan pa ang mga pulis. Matatandaang nag-alok ng pabuyang P2 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika­darakip  ng mga ninja cops.

Kaugnay nito, tatlong pulis din ang nagpositibo sa droga na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal at administratibo. Bagamat hindi na ibinunyag ang pangalan na nakatalaga ang mga ito sa MPD headquarters,  Police Station 11, at Police Station 4. Bunsod  nito, pabor si Coronel na isagawa  buwan-buwan  sa pamamagitan ng  random test  ang  drug tests sa 4,405 MPD police personnel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with