^

Metro

4 na supplier ng armas ng Abu Sayyaf, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bultu-bulto ng mga armas at bala na umaabot sa P6 mil­yon ang nakumpiska ng mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa apat na sangkot sa gun running group kabilang ang lider ng grupo na supplier ng mga bandidong Abu Say­yaf, sa operasyon sa Brgy. West Crame, San Juan City, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame,  iprinisinta ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa  ang mga nasamsam na mga armas at bulto ng bala na may tatak pa ng ‘government arsenal’ ang mga kahon.

Kinilala ni dela Rosa ang mga nasakoteng suspect na sina Unding Kenneth Isa, lider ng gun running group, kumandidatong Vice Governor ng Sulu pero natalo noong Mayo 2016 elections. Si Isa ay iniharap rin sa mediamen.

Ang  mga tauhan ni Isa ay tinukoy naman ng mga opisyal na sina Hja Risdimona Isa, Aljamer Akarab Mandih at Hurbin Alhi Sahibul .

Sinabi ni dela Rosa na dakong alas-10 ng umaga ng magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa No. 8, Unit 4, 3rd West Crame, Brgy. West Crame, San Juan City noong Sabado (Setyembre 24) pero kahapon lamang inanunsyo sa media.  Ang lugar ay nasa likod lamang­ ng PNP Headquarters sa Camp Crame.

Nasamsam ang arms cache sa mga suspect na kina­bibila­ngan ng malalakas na kalibre ng armas tulad ng M203 grenade launchers, M14, M16 at libu-libong mga bala ng sari-sa­ring mga armas.

Sinabi ni dela Rosa na ang mga kahon ng bala na may tatak na government arsenal ay tumutukoy sa Department of National Defense.

“We suspect that they have a contact within the government arsenal dahil paano naman nakakalabas etong mga bala kung wala silang kontak dun”, punto ni dela Rosa.

Sa panig naman ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Roel Obusan, sinabi nito na bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon noong Hulyo na nagsu-supply ng mga armas at bala sa Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan sina Isa at isang alyas Wahid na mga taga Indanan, Sulu. Bukod sa mga Abu Sayyaf  ay supplier rin ang mga ito ng mga armas sa mga war lords kabilang ang mga pulitiko sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang nasabing mga armas at bala ay idini-deliver ng mga suspect mula Maynila patu­ngong Zamboanga, bago ito dalhin sa Jolo, Sulu.

Naging aktibo ang operas­yon nina Isa, ayon pa kay Obusan  bago pa man tumakbo ang suspek na Vice Governor ng Sulu pero minalas naman itong matalo.

Sinabi ng opisyal na noong Agosto 2016 ay namonitor ang mga bandidong Abu Sayyaf sa Maynila na bumibili umano ng cache ng M203 at M14, mga sangkap pampasabog at libu-libong bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regula­tion Act) at  RA 9516 (Illegal Pos­session of Explosives) ang mga nasakoteng suspect.

Samantala, nagsasagawa na ngayon ng crackdown opera­tion ang  AFP upang tukuyin ang sindikato o mga tiwaling opisyal at tauhan na nasa likod ng illegal na pagbebenta ng mga armas at bala mula sa arsenal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Edgard Arevalo, iniimbes­tigahan na nila ang isyu at tiniyak na mananagot ang mga mahuhuli o matutukoy na nagkasala sa batas.

Aminado naman ang opis­yal na posibleng may mga tiwali sa kanilang hanay na nasa likod ng pagbebenta ng mga armas at bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with