^

Metro

Ex-sexy star na si Sabrina M, 2 pa huli sa droga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City police ang dating sexy star na si Sabrina M at dalawang iba pa sa ikinasang anti-drug operation ng Quezon City Police sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay QCPD director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, si Sabrina M o Karen Salar Pallasigue, 36, sa tunay na buhay at sina Erwin San Martin, 29 at Edwin Coloma, 38 ay nadakip sa isinagawang anti-drug operation ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (DAID-SOTG) sa mismong bahay nito sa Palasugui St. sa Brgy. Pasong Tamo sa lungsod, dakong alas-11:45 ng gabi.

Sabi ni Eleazar, matagal na panahon ding minanmanan ng kanilang operatiba ang galaw ni Sabrina matapos mapag-alamang gumagamit ito ng iligal na droga.

Base sa surveillance video na ipinakita ni Eleazar sa mga mamahayag, makikita ang paggamit ni Sabrina ng shabu sa kanyang tinutuluyan na nagtulak sa mga awtoridad para ikasa ang operasyon laban sa kanya.

Sa operasyon, isang operatiba ng SAID-SOTG ang nagkunwaring bibili ng halagang P6,000 shabu kay Sabrina. Matapos ang bentahan ay saka na siya inaresto, kasunod sina San Martin at Coloma na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Sabrina M

Nasamsam kay Sabrina ang limang gramo ng shabu, at tatlo pang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sabi ni Eleazar, umaasa silang makikipagtulungan sa kanila si Sabrina para magbigay ng impormasyon kung saan ang pinanggagalingan ng kanyang iligal na droga at saan ang pinagbabasakan nito.

Si Sabrina M ay nakilala sa mga mapangahas na pelikula noong 1990’s na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabas sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with