^

Metro

Ani Erap: Parking sa Quezon Boulevard, bawal na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na isa na ring “No Parking Zone” ang magkabilang  bahagi ng Quezon Boulevard upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa naturang kalsada.

Paliwanag ni  Estrada, mahalagang kalye  ang  Quezon Boulevard, lalo na sa mga deboto ng Nazareno kaya’t dapat lamang na  bigyan ng  pagpapahalaga.

Ayon kay Estrada, disiplina at kooperasyon lang ang hinihiling ng pamahalaang lungsod sa publiko “dahil para rin naman sa kanila ito. Aniya, kung gusto nating maayos ang problema sa trapik, kailangan ng pakikiisa ng  lahat.

Kamakailan lang ay dineklara din ni Estrada na “No Parking” area ang kahabaan ng Rizal Avenue na sakop ng Maynila kung saan talamak ang illegal parking.

Inatasan ni Estrada si Dennis Alcoreza, hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), na siguruhing mahigpit na maipapatupad ang ‘No Parking’ regulation sa Quezon Boulevard. Binuo na ni Alcoreza ang Task Force Quezon Boulevard na mamamahala sa trapik sa nasabing kalsada, kasama na ang pagto-tow sa mga illegally parked vehicles.

Nagbabala naman ito sa mga barangay na huwag mangolekta ng parking fee sa mga motorista. Aniya, may bali-balitang nakikipagsabwatan ang ilang opisyal ng barangay sa Tokagawa Global Corp. sa paniningil ng iligal na parking fee.

Ang Tokagawa ang nakakuha ng 25-taong kontrata sa noo’y mayor na si Alfredo Lim upang pamahalaan ang roadside parking sa lungsod. Pinapawalang-bisa na ito ni Estrada matapos sabihin ng Commission on Audit (COA) na “disadvantageous” ito sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with