^

Metro

2 ‘pusher’ sa Rizal, itinumba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang umano’y sinasabing ‘ tulak’ ng droga sa lalawigan ng Rizal habang sugatan ang kasama nilang babae makaraang pagbabarilin ng apat na maskaradong lalaki sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang dalawang biktima na sina Antonio Silverio Jr, 27, at isang alyas Jason habang sugatan namang isinugod sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang kasama nilang babae na si Sharipa Gilan, 25, ng Angono Rizal.

Ang pamamaril sa mga biktima ay naganap dakong alas-2:45 ng madaling araw na naganap sa Calbayog St., corner M. Guevarra St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng isang Ford pick-up nang dumikit ang dalawang motorsiklo sakay ang apat na nakamaskarang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Bago tuluyang tumakas ang mga suspek ay nag-iwan ng placard sa mga biktima na may nakasulat na ‘Huwag Tularan, Drug Lord ng Rizal”.

Nakuha sa sasakyan ng mga biktima ang dalawang pellet gun at isang kalibre 38 baril na may bala.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Mandaluyong police upang mabatid ang motibo ng krimen, makilala at madakip ang mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with