^

Metro

‘Di nag-remit sa droga, utas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng apat na lala­king magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo, habang nagpapahinga sa loob ng tricycle ang una sa Taal St., Punta, Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Sandrex Ampo-An, 31, residente ng   Santan St., Punta, Sta. Ana, Maynila na agad na nasawi bunga ng maraming tama ng bala na tinamo sa katawan.

Humarurot naman patakas ang mga suspek na inilarawang pawang nakasuot ng bonnet matapos makitang nakalugmok na ang biktima.

Sa ulat ni PO2 Rey Rabut ng Manila Police District-Station 6, dakong alas - 11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Taal at Santan Sts., sa Punta, Sta. Ana.

Sa pahayag ng saksi na si Brgy. Kagawad Ricardo Felix, nagpapahinga sa driver’s seat ang biktima nang may biglang huminto na dalawang motorsiklo at basta na lamang pinaulanan ng putok ng baril ang biktima saka mabilis na nagsitakas.

Sinabi ng kaanak ng biktima na user lamang si Ampo-An subalit may impormasyon na may na-estafa umano itong benta ng iligal na droga at posibleng ang hindi pagre-remit ang dahilan ng pamamaslang.

Gayunman, hindi pa kumpirmado kung ano ang tunay na dahilan sa krimen na patuloy pang iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with