^

Metro

Mga preso at jail guards sa Marikina sumailalim sa drug test

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumailalim sa drug testing ang may 600 inmates at 75 jail guards ng Marikina City Jail kahapon.

Ito’y dalawang linggo matapos na salakayin ng mga awtoridad ang naturang detention facility, na nagresulta sa pagkakarekober ng mga drug paraphernalia doon.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, sa kabuuang 900 inmates ay 600 ang boluntaryong nagpa-drug test habang lahat naman ng 75 personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagpasuri dakong alas-9:00 ng umaga, na isinagawa ng Marikina City Health Office.

Sinabi ng alkalde na ilalabas nila ang resulta ng pagsusuri sa Lunes at lahat ng magpo-positibo ay isasailalim nila sa confirmatory testings ng mga accredited na doktor.

Samantala, tiniyak naman ni Marikina City Jail warden Chief Inspector Jojie Jonathan Pangan na lahat ng mga inmates at BJMP personnel na magpo-positibong gumamit ng illegal na droga ay sasampahan nila ng kasong administratibo.

Siniguro rin niya na ang buong detention facility ay isinasailalim na nila sa istriktong surveillance matapos na makakumpiska ng mga drug paraphernalia doon at maging ang mga bisita ng mga preso ay isinasaillaim rin nila sa istriktong body search.

 Batay sa ulat, sa kabuuang 766 lalaking inmates ng Marikina City Jail, ay 478 ang nakulong dahil sa mga krimeng may kinalaman sa illegal na droga habang 110 naman sa 150 babaeng detainee na napiit dahil sa kahalintulad na kaso.

Plano naman ng local na pamahalaan na gawin na ring detention cell ang ikaapat na palapag at ilang stock room ng jail facility  upang ma-accommodate ang dumarami nilang preso, dahil sa pinaigting na  kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with