^

Metro

Tanod, utas sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang barangay tanod ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikila­lang riding-in tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Reynante Nudo, 47, ng  Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong alas-10:25 ng gabi sa Westbank Road, Brgy. Rosario Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rex Baygar, nabatid na ang biktima at kaibigan nito na si Joseph Bitara ay sakay ng motorsiklo nang dikitan sila ng mga suspek na kapwa naka-bonnet at walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima.

Matapos ang pamamaril at matiyak na patay na ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek at hindi naman sinaktan si Bitara.

Nabatid na ang tanod ay kabilang sa drug watchlist sa kanilang lugar.

Nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya para matukoy at madakip ang mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with