^

Metro

4 pa bulagta sa droga

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay na naman  ang apat  katao kabilang ang isang ba­ding na pawang sangkot sa droga matapos pagbabarilin ang mga ito sa magkakahi­walay na insidente sa Para­ñaque, Las Piñas City at bayan ng Pateros kamakalawa.

Sa Parañaque City, dead on the spot ang dating ‘tulak’ na si Michael Angelo Torres, alyas Michael Galis ng Brgy. Sun Valley ng naturang lungsod.

Alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang pulisya sa harapan ng bahay ng suspect na si Torres­ sa naturang lugar.

Nakatunog umano si Torres­ na ang ka-transaksiyon niya ay isang pulis, kung kaya’t inilabas nito ang kanyang baril at tinangkang barilin umano ang mga aaresto sa kanya.

Dito na pinaputukan ng mga pulis ang naturang suspect na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Alas-7:05 ng gabi ay binaril at napatay ang barker na si Luis Bravante, 44, ng Block 3, Lot 8, Seaside Square, Brgy. Tambo ng naturang lungsod ng riding in tandem sa kahabaan ng MIA Road ng naturang barangay.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktima sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa ka­libre .45 baril.

Sinasabing ‘tulak’ umano ng droga ang nasawi na inamin naman ng kinasama nitong na­kilala lamang sa pangalang Sherlyn.

Sa report naman  Las Piñas City Police, ala-1:30 kahapon ng madaling-araw nang pagbabarilin at mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang umano’y bading na biktimang si John Abellana, alyas Iwa, 22, isang beautician malapit sa tinitirhan nito sa  Avo­cado St., Brgy. CAA ng naturang lungsod.

Sa impormasyong nakalap ng Las Piñas City Police sa ilang saksi, kilala umanong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot si Abellana sa natu­rang lugar.

Ayon naman sa Pateros Police, alas-12:45 ng mada­ling araw nang pagbabarilin din hanggang sa mapatay si Michael Dela Cruz, alyas Banjo, 23, miyembro ng Fire Boat Unit sa Pasig City, nakatira sa San Joaquin ng naturang lungsod sa kahabaan ng M. Almeda St., Brgy. Santo Rosario-Silangan, Pateros ng riding in tandem na kapwa nakasuot ng bonnet.

Ayon sa barangay nasa listahan ng mga drug persona­lity ang nasawing biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with