^

Metro

5 ‘tumba’ sa drug operation sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sunud-sunod na bumulagta sa iba’t-ibang lugar sa Maynila ang limang hindi pa nakikila­lang mga kalalakihan sa isinagawang drug ope­ration ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa loob lamang ng halos walong oras.

Sa imbestigasyon nina SPO4 Glenzor Val­lejo at PO3 Dennis Turla, ng Manila Police Dis­­trict-homicide section, alas-7:40 ng gabi kama­ka­lawa nang mapatay ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Station 2 ang isang hindi kilalang lalaki sa Sparkline Road, Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Inilarawan ang suspek na nasa edad 20-25, nakasuot ng itim na maong pants, may taas na 5’4”, slim built at may tattoo na ‘Gosain Alonto’ sa katawan.

Makalipas ang halos dalawang oras ay naka-engkuwentro at napatay naman ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID-SOTU) ng MPD-Station 2 sa Trinidad corner Lacson Sts. sa Barangay 96, Tondo, ang ikalawang suspek na si Ernesto Salting Jr., alyas Weng, 37, residente ng Roxas Street, Barangay 102, Vitas, Tondo.

Nasa drug watchlist ng mga pulis si Salting.

Napatay naman ng mga tauhan ng MPD-PS 4, ang dalawang hindi nakikilalang suspek malapit sa riles ng tren sa may Buenos Aires St., kanto ng Road 10 St, Sampaloc, Maynila nang manlaban matapos maaktuhan nagpa-pot session dakong alas- 2:20 ng madaling araw.

Tinatayang kapwa nasa edad 30-35 at  katamtaman ang  mga pangangatawan, ang isa ay may taas 5’7, habang ang isa naman ay may taas 5’4.

Samantala, inaalam pa rin naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang la­laking napatay ng mga pulis sa isang operasyon sa Jose Abad Santos kanto ng Quiricada Street sa Tondo, dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Inilarawan lamang ang suspek na nasa 35 hanggang 40-anyos, nasa 5’5” ang taas, nakasuot ng jersey t-shirt, shorts at katamtaman ang laki ng pangangatawan.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang 25 plastic sachet ng shabu at limang iba’t ibang uri ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with