^

Metro

Oil price hike uli, ipinatupad

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pangatlong pagkakataon, muling nagpatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw (Agosto 30).

Kabilang sa nagtaas ng produktong petrolyo ay ang Flying V kung saan nasa P0.50 presyo ng gasolina kada litro, P0.15 sa diesel at P0. 20 kada litro naman sa kerosene.

Sumunod naman  ang Pilipinas Shell, Seaoil, Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum sa oil price hike na may kahalintulad na halaga at epektibo naman ito ngayong alas-6 ng umaga.

Inaasahang susunod na ring magtataas ang iba pang oil company tulad ng Total Philippines.

Nabatid na ang dagdag  presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.

Matatandaang nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis noong nakalipas na linggo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with