^

Metro

2 gun runner todas sa buy-bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na itinuturong mga gun runner ang kapwa nasawi sa dalawang magkahiwalay na buy bust operation ng Northern Police District sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan, kamakalawa.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Arman Doloeras, ng Brgy. Panghulo, Malabon City at si Adonis Padoga, 36, ng Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City.

Sa ulat ng District Special Operations Unit, dakong alas-6:20 kamakalawa ng gabi nang magsagawa sila ng buy bust sa tapat ng bahay ni Doloeras makaraang makumpirma ang intelligence report na nagsusuplay ito ng armas sa mga holdaper at iba pang miyembro ng sindikato sa lungsod.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng isang kalibre .38 baril at nang maiabot ang bayad ay pumasok na ang suspect sa kanyang bahay para kunin ang armas.  Dito na pumuwesto ang mga pulis ngunit nakatunog umano si Doloeras at agad na pinaputukan ang mga pulis.  Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas hanggang sa tamaan ang suspek na ikinasawi nito.

Nasamsam pa sa loob ng bahay nito ang isang kalibre .38 ARMSCOR na may tatlong pumalyang mga bala at apat na cartridges at pitong plastic sachet na pinanini-walaang shabu.

 Dakong alas-3 ng hapon naman ng isa ring buy bust operation ang ikinasa ng DSOU upang madakip si Padoga sa harap ng isang apartment sa may Sabalo Street, Brgy. 12, Caloocan City. Nang tanggapin ang kabayaran para sa isang kalibre .38, pumasok ng apartment na nasa ikatlong palapag ang suspek ngunit nagpaulan na ng bala sa mga pulis.

Nakipagbarilan naman ang mga operatiba at agad na nasapul ang suspek na isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with