^

Metro

Sekyu dedo sa pinsang sekyu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas sa isang tama ng bala sa ulo ang isang 21-anyos na security guard nang mapikon ang kapwa sekyu na kaniyang pinsan at barilin ito dahil sa selos sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jhunuel Repollo Galvez, stay-in security guard ng Torque Security Agency, na matatagpuan  sa Carola St.,  ng  Brgy. 454, Zone 45, District VI, sa Sampaloc.

Arestado naman ng mga barangay tanod ang suspek na kinilalang si John Carlo Repollo, 18, pinsan at kasamahan sa trabaho ng biktima.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas  ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling araw sa loob mismo ng pinapasukang UNIDIZ Suites Building, kung saan on-duty ang suspek nang mabaril ang pinsan.

Sa imbestigasyon, nauna rito kinompronta ng biktima ang suspek hinggil sa ginagawang pakikialam umano sa relasyon niya sa nobya.

Nalaman ng biktima na nagsusumbong o naghihinga ng sama ng loob o problema ang  nobya sa pinsang suspek. 

Matapos ang komprontasyon ay nalaman naman ng nobya ng biktima ang ginawa kaya ito nakipagkalas umano sa biktima na lalong ikinaselos umano ng huli at muling inaway ang pinsan at sinaktan.

Naawat naman ang dalawa gayunman makalipas pa ang mga oras at muling  bina­likan ng biktima ang suspek na noon ay naka-duty na sa puwesto.

Napikon umano ang suspek at tinanggal ang magazine ng service firearm at nagtira umano ng isang bala bago ipinutok sa biktima sa ulo na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ludy Bermudo with trainee Rei Renee Moriah Marcelo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with