^

Metro

Magkapatid na paslit, natusta sa sunog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang magkapatid na paslit matapos tupukin ng apoy ang may 40 kabahayan habang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eunice Benigal, 2-anyos at ang sanggol na kapatid nitong si Princess Nicole Benigal, 1.

Sugatan naman ang hindi pa kilalang babae matapos tumalon sa bintana ng kanyang bahay dahil sa labis na pagkataranta.

Nabatid na naiwan at na-trap ang mga  biktima sa loob ng kanilang  bahay dahil wala ang kanilang mga magulang na sina Roselyn Benigal at Richard Palmones ng sumiklab ang sunog.

Ayon kay FO1 Timo­thy Mangabat, Arson Investigator ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-12:34 kahapon ng madaling-araw sa  Ever­lasting Homes,  Brgy. Talon 4 ng natu-rang siyudad. Tinitingnan ang anggulong hinggil sa naiwanang kandila ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy at humigit kumulang sa 40 kabahayan ang natupok.

Umabot hanggang ikatlong alarma ang sunog at alas-2:55 ng madaling-araw nang idek-lara itong under control.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with