^

Metro

Problemado sa pera, ama nagbaril sa sarili

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil umano sa problema sa pera, isang ama ang nagbaril sa sarili sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Patay na nang dalhin sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Edmund Cruz, ng Coral St. Tondo Maynila sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na natutulog si Ranielle, anak ng biktima nang nakarinig ito ng isang putok at nang kanyang tignan ay nakita niyang naka­handusay ang kanyang tatay at naliligo sa sariling dugo na naging dahilan upang isugod sa pagamutan pero idineklara itong patay.

Ayon sa pamilya ng bik­tima, problema sa pera ang nakikita nilang dahilan upang magpakamatay ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with