^

Metro

Pang-aabuso ng Uber driver sa pasahero, bubusisiin ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang kaso ng pang-aabuso ang binubusisi ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) nang ang isang 22-anyos na babae ay magreklamo laban sa driver ng isang Uber Taxi sa Quezon City.

Ayon kay LTFRB board member Ariel Inton, ipatatawag nila ang driver ng Uber Taxi na nagmamaneho ng Red Toyota Vios (ARA 3101) na nakilalang isang Christian Karlo John Mari para linawin ang reklamo sa kanya ng biktima.

Sinabi ni Inton na batay sa kuwento ng biktima, sumakay siya bandang Camp Aguinaldo para magpahatid sa UP Town Center sa Katipunan Road.

Pero nang sila ay nasa ba­hagi na ng  Katipunan Avenue ay bigla na lamang niyakap ng naturang driver ang complainant at inutusan pang hawakan nito ang kanyang ari.

Dahil sa takot ay nagawang hawakan ng biktima ang ari ng driver pero nang tangkang aalisin ng biktima ang kamay sa pagkakahawak sa ari ng suspek ay nagalit at inutusan siyang isubo ang ari ng suspek.

Kaugnay nito, hini­ngi ng LTFRB  sa manage­ment ng Uber  ang kum­pletong talaan ng kanilang mga driver para sa mabilis na pagresolba sa kaso at upang hindi na maulit ang ganitong insidente.

“It has come to our attention that Uber does not disclose the name of the driver nor any of its details to their passenger.  In times that a crime was committed, it would be very hard for the victim to file a case because no details with regard to the perpetrator is provided”,dagdag pa ni Inton.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with