^

Metro

P 50-M shabu nasamsam: 3 big time drug traders tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang pinagsanib na anti-drug ope­ratives ng  Eastern Police Dis­trict (EPD) kasunod ng pagkakasamsam ng 8 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon kasunod ng pagkakasakote sa tatlong big time drug traders sa  dalawang  magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa lungsod ng Pasig at Taguig kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame nitong Bi-yernes ng gabi, iprinisinta nina PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa, EPD Acting  Director P/Sr. Supt. Ro-mulo Sapitula at NCRPO Director P/Chief Supt. Os­car Albayalde ang mga nakumpiskang droga.

Arestado naman sa ope­rasyon ang big time drug pusher na si Saadodin Badron, 28; Sukarno Bansil, 37 at Mahatir Malaco, 23.

Sinabi ni dela Rosa na dahilan sa pursigidong anti-drug campaign ng mga operatiba ay nabitag ang mga suspect.

Bandang alas-3:10 ng hapon nang masakote sa kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue, Marcos highway, Pasig City ang suspect na si Badron matapos ang halos isang linggong surveillance ope­rations ng EPD District Special Operations Unit, Division Anti-Illegal Drugs at Pasig City Police.

Samantalang sinabihan ng suspect ang poseur buyer na sa Amang Rodriguez Avenue, Marcos Highway, Pasig City na la­mang sila magkita para maibigay ang binibili nitong droga.

Dakong alas-3:10 ng hapon nang muling makatanggap ng impormasyon ang poseur buyer mula kay Badron at binigyan ito ng instruksyon sa behikulong isang kulay itim na Mitsubishi Mirage na may plakang ABM 8809 sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip dito.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspect ang 50 gramo ng illegal na droga na nagkakahala-ga ng P50,000.00.

Samantalang nakuha naman ang karagdagan pang 6 kilo ng shabu na nakalagay naman sa isang plastic bag sa loob ng behikulo ng suspect.

Sa followup operations naman ng Pasig Police Station Anti Illegal Drugs sa pamumuno ni Chief Inspector Renato Castillo ay sumunod namang nasakote ang da-lawa pang suspect na sina Bansil at Malaco; pawang ng Taguig City sa buy bust operations sa BCDA C5 Road Taguig City. 

Narekober naman mula sa mga ito ang isang kilo ng shabu, isang caliber . 45 Norinco pistol, 11 piraso ng bala ng nasabing armas at ang isang Toyota Innova (ABH–2534) na gamit ng mga ito sa kanilang illegal na transaksyon ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with