^

Metro

Killer ng biker, tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na pagtatago, nasa­kote ng Army Intelligence ang Army reservist na sangkot sa pamamaril at pagkakapatay sa isang biker dahil sa alitan sa trapiko sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 25 ng gabi sa isinagawang follow-up ope­rations sa bayan ng Milagros, Masbate kahapon.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na ang suspect na si Vhon Martin Tanto ay naaresto bandang alas-11:50 ng tanghali sa Brgy. Poblacion East, Milagros, Masbate.

“He did not resist arrest when he was arrested by Army Intelligence operatives in coordination with Masbate  Provincial Police Office,’’  pahayag ni Padilla.

Si Tanto, ang panguna-hing suspect sa pamamaril at pagkakapatay kay Mark Vincent Garalde sa naganap na insidente sa Quiapo sa lungsod ng Maynila na naging viral sa social networking site. Ang biktima ay dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Una rito naispatan ang presensya ni Tanto sa nasabing lalawigan ng Army Intelligence matapos itong tumakas at magpalipatli- pat ng taguan.

Nitong Huwebes ay una nang narekober ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang behikulo ni Tanto na isang kulay pulang Hyundai EON na wala pang plaka at may conduction sticker na MO 3745 sa bakuran ng kaniyang bayaw na si Jonathan Leano.

Maga at may pasa pa sa mukha ang suspect na sinasabing dulot pa umano ito sa pakikipag-suntukan niya sa binaril niyang biktima.

Ang nasabing behikulo ay pansamantalang isinailalim sa kustodya ng Aritao Police bago ito ibiniyahe na patungo sa tanggapan ng PNP-HPG sa Camp Crame saka itinurnover sa kustodya ng Manila Police District.

Sa tala, ayon kay Padilla si Tanto ay hindi na aktibong reservist ng Philippine Army na huling nagreport sa serbisyo noong Enero 2015. Nabigyan ito ng ranggong Private at nakatala-ga sa 1301st Community Defense Center, NCR Regional Community Defense Group ng Army Reserve Command na nakabase  sa Caloocan City.

 Si Tanto ay ituturn-over ng Army’s 9th IB sa Masbate PPO na siya namang magdadala sa suspect sa Maynila para isailalim ito sa kustodya ng Manila Police District (MPD) kaugnay ng kasong kriminal na kaniyang kinakaharap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with