^

Metro

Quezon City pabor sa car pooling para mapaluwag ang trapik

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor ang Quezon City government na magkaroon ng car pooling sa lungsod upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa iba’t ibang lugar dito.

Kasabay nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga motorista at commuters na makibahagi sa car pooling para makatulong sa pagresolba sa problema sa traffic.

Ayon kay QC Administrator Aldrin Cuña, mayroong mga kalsada na sa ngayon ay pinalalaki at inaayos ng QC government ngunit hindi ito sasapat upang solusyunan ang malaking problema sa trapiko.

Anya,  isa ang car pooling sa posibleng solusyon upang maibsan ang siksikan sa mga kalsada dahil sa rami ng bilang ng sasakyan sa daan.

Malaki rin ang paniwala nito na ang  pagkakaroon ng disiplina ang unang sagot sa problemang kinakaharap ng bansa sa trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with