^

Metro

Lolo itinumba ng 7

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lolo na kabilang sa drug watchlist ng mga awtoridad ang nasawi habang sugatan ang pinsan nito nang pagbabarilin ng pitong maskaradong lalaking puma-sok sa kanilang tahanan sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Romeo Zapanta, 62, taxi driver, residente ng Hinahon St., Brgy. Barangka Drive, Mandaluyong City.

Sugatan naman ang kanyang pinsang si Ro­gelio Gimoro, 20, at residente ng Agudo Street, Brgy. Barangka Ibaba, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, pasado alas-10:00 ng gabi kamakalawa ay kasalukuyang naghahapunan ang mga biktima, nang bigla na lang pinasok ng pitong lalaking pawang armado at nakatakip ang mga mukha ang barung-barong ni Zapanta. 

Ayon kay Aling Corazon Archangel, hipag ng biktima, maya-maya ay nakarinig na sila ng sunud-sunod na mga putok kaya’t nagtakbuhan sila upang alamin kung ano ang nangyari ngunit natagpuan na nilang duguan ang mga biktima.

Ayon sa mga awtori-dad ng Mandaluyong City Police, kasama sa kanilang drug watchlist ang mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with