^

Metro

Koreano nagbigti, sa loob ng NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang Korean national na nagbigti sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 exclusion room, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni MIAA general manager Ed Monreal, ang biktimang si An Sang Kwan, 50, isang excluded passenger na dumating sa airport sakay ng eroplanong Cebu Pacific flight - 5J-311 via Taipei - Manila.
Ayon kay Monreal, nakita ni Michelle Ocampi, janitress sa NAIA, ang biktimang naka-upo sa sahig na wala ng buhay na pinaniniwalaang nagbigti gamit ang isang brown bag strap na itinali sa door hook ng cubicle 2 nang exclusion room. 
Sinabi ni Monreal, dakong alas- 7:28 kamakalawa ng gabi nang makita ni Ocampi ang biktima na hindi na gumagalaw kaya mabilis niyang ini-report ang pangyayari kay Lenonardo Cerezo Jr., operation assistant on-duty sa exclusion room.   
Gayunman, sinabi ni Monreal, pinaiimbestigahan niya ang pangyayari habang nagsasagawa rin ang PNP - SOCO operatives ng kanilang sariling imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with