^

Metro

Ex-bodyguard ng solon, 1 pa patay sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao kabilang ang dating bodyguard umano ni dating Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang nasawi sa magkahiwalay na insidente sa Navotas City, mula kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ral Gonzaga, 36, ng Sta. Ana, Balagtas, Orion, Bataan; at Marcelo Garganta, 50, ng Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police, sakay si Gonzaga ng isang owner type jeep kasama ang partner sa negosyo na si Erlinda Macatunal, 49, nang dalawang lalaki na magkaangas sa isang motorsiklo ang humarang sa kanilang daraanan sa tapat ng Agora Public Market sa Brgy. North Bay Boulevard South dakong alas-7:40 ng umaga.

 Agad na pinagbabaril ng mga salarin si Gonzaga na nagawa pang mapaandar ang jeep kahit na sugatan.  Ngunit sinundan pa rin ito ng mga salarin at muling pinagbabaril sa tapat ng isang banko.

Mabilis na nagsitakas ang dalawang salarin na nakasuot ng crash helmet ang tsuper habang nakasuot ng bull cap ang angkas na gunman.  Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Nauna dito dakong ala-1 ng madaling araw, nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Unit at Police Community Precinct 4, Special Reaction Unit sa naturang barangay nang bigla umanong paputukan ni Garganta ang mga pulis na gumanti naman ng putok dahilan ng kamatayan ng suspek.

Nabatid na isa sa inimbitahan sa ‘Oplan Tokhang’ si Garganta upang sumuko nitong nakaraang linggo ngunit tumanggi ito at nagpatuloy sa iligal na gawain.  Narekober sa suspek ang isang calibre .38 baril, mga balang napaputok at tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with