^

Metro

Kotong cops sa Metro Ma­nila, isasabak sa Abu Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Itatapon sa Mindanao -- ‘Bato’ 

MANILA, Philippines – Binalaan kahapon ni incoming Philippine National Police Chief, (PNP) Chief Supt. Ro­nald “Bato” dela Rosa ang aniya’y mga ‘balatubang’ pulis na sangkot sa pango­ngotong sa Metro Ma­nila na ipatatapon sa malayong lugar sa rehiyon ng Min­danao.

Sinabi ni dela Rosa na tototohanin niya ang pagpapatapon sa mga bugok­ na pulis na taga-Metro Manila, palayo sa National Ca­pital Region at ililipat ang mga ito ng destino sa Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni dela Rosa na kulang ang mga pulis sa Mindanao partikular na para tumulong sa tropa ng militar sa pagsabak sa mga ban­didong Abu Sayyaf.

Una rito, sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na ipatatapon niya ang mga heneral ng PNP at mga tauhan ng mga ito na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Ayon kay Bato, hindi lamang mga sangkot sa ilegal na droga ang kaniyang ipatatapon sa Mindanao kundi maging ang mga sangkot sa pangongotong na karaniwan ng nambibiktima ng motorista.

Gayundin ang mga na­ngo­­ngotong sa mga negos­yante na nagmamay-ari ng mga establisyemento sa Metro Manila.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng opisyal ang sinu­mang may reklamo parti­kular na ang mga netizens na agad isuplong sa PNP ang mga tiwali nilang tauhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with