^

Metro

Parak abusado tuwing lasing

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng maharap sa ka­­song kriminal at adminis­tratibo ang isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District-station 11 dahil sa pang-iisnab sa summon sa kaniya ng MPD-General Assignment Section kaugnay sa reklamo ng pamamaril sa isang vendor, sa Tondo, Maynila, noong Linggo.

Nabatid na naghain ng reklamong abuse of authority at serious physical injury ang  biktimang si Enrique Galicia, 43, vendor at residente ng  no. 1151 Bambang Extension,  Tondo, Maynila, laban kay PO1 Noe Fernandez, hinggil sa pamamaril sa kaniya subalit hindi naman siya tinamaan nang sitahin habang naglalamay sa patay, sa J. Abad Santos Ave­nue, sa Tondo, malapit sa kanilang lugar, noong Mayo 22, alas-11:00 ng gabi.

Sa kabila aniya, nang paliwanag niya sa lasing na si PO1 Fernandez, na tagaroon din siya sa lugar ay hindi umano naniwala sa kaniya at bumunot ng baril at pinaputukan siya na maswerteng hindi umano tumama sa kaniya.

Papaalis na umano ang biktima dahil sa takot sa paninita ng lasing na pulis at hinabol pa siya hanggang sa makasakay ng motorsiklo at binaril, na nakita naman sa kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar.

Sa tuwing nakakainom o lasing ang suspek ay naninita ito ng mga taong bago sa kaniyang paningin.

Kahapon ay hindi natuloy ang komprontasyon ng biktima at suspek dahil hindi dumating ang huli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with