^

Metro

LP Vice mayoralty bet Asilo, nangunang muli sa survey sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lubhang kinasiya kahapon ni Liberal party Manila vice ma­yoralty bet at Rep. Benjamin “Atong” Asilo ang pangunguna niya sa Manila Vice Mayoralty race sa resulta ng survey nuong Abril ng D’ Strafford Reasearch and Strategies, Inc., katuwang ng smart poll research center.

Sa nabanggit na survey nanguna si Rep. Asilo na tinaguriang Pambato ng Tundo na nakapagtala siya ng 38 porsyento kontra kay Councilor Ali Atienza na nakapagtala ng 29 porsyento, pumangatlo naman si Rep. Maria Theresa Bonoan David – 20 porsyento at pang-apat si Honey Lacuna – 11 porsyento.

Sa mayoralty race, nanguna si Mayor Joseph Erap Estrada na nakapagtala ng 47 porsyento kontra kay dating mayor Alfredo Lim – 34 porsyento at Rep. Amado Bagatsing – 18 porsyento.

Kasabay nito, pinasalamatan ng anak ng public vendor ng Pritil market ang Manileño patuloy na pagtangkilik sa kanya simula pa nuong inihalal siya bilang kagawad at kapitan ng barangay, konsehal at ngayon ay magtatapos siya sa 9 na taong panunungkulan bilang kongresista.

“Marahil ay naramdaman ng publiko ang aking matapat at masipag na paglilingkod sa aking panunungkulan sa pama­magitan ng mga proyektong naisagawa para sa mamamayan”, diin pa ni Rep. Asilo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with