^

Metro

Chop-chop na mga bangkay, natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga biktima na pinagputul-putol at isinilid sa mga sako ang nadiskubre sa may basurahan sa may Malabon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, unang nadiskubre ang mga bangkay ng isang mangangalakal ng basura dakong alas-3 ng madaling-araw sa kalsada sa harap ng Ang Ching Huan and Sons Resources Phil. Inc. sa may kanto ng P. Aquino at Lascano Streets, Brgy. Tugatog, Malabon City at malapit sa hangganan ng Caloocan City.

Unang rumesponde naman sa lugar ang barangay tanod na si Ronnie Dado ng Barangay 8, Caloocan City at nadiskubre ang mga pira-pirasong katawan sa loob ng mga sako.

Sa pagsusuri naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nadiskubre sa loob ang mga piraso ng katawan ng isang babae at lalake.

Nabatid na pinutol ang mga binti at hita ng mga biktima para maipasok ang mga bangkay sa loob ng mga sako habang may sugat rin ang mga ulo.

Ipinag-utos naman ni Sr. Supt. John Cayaban Chua, hepe ng Malabon City Police, sa kanyang mga imbestigador ang mas masusing imbestigasyon upang makilala ang mga biktima at makakuha ng lead para maresolba ang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with