^

Metro

3 Taiwanese huli sa 275-M ng shabu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong Taiwanese nationals matapos makumpiskahan ang mga ito ng may 55 kilo ng  shabu na tinatayang nagkakaha­laga ng P275 million sa isang buy-bust operation na isinagawa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kung saan na­tuklasan din ang  isang mini laboratory sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni NCRPO Director Joel Pagdilao ang mga naarestong suspect  na sina Pong Jung, 19; Chen Hu Min, 27 at Eugene Chong, 24, pawang naninirahan sa Tamarind Drive, Ayala Alabang Village ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya, ala-1:15 ng madaling araw nang arestuhin ng mga tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) ang mga suspect  sa naturang lugar nang benta­han ni Pong Jung ng 25 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P25 milyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Matapos ang naturang­ transaksiyon, agad na sina­lakay ng naturang operatiba ang nasabing bahay kung saan natuklasan sa loob nito ang isang maliit na laboratoryo at narekober ang halos 55 kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P275 milyon, iba’t-ibang kemikal na sangkap at ka­gamitan sa paggawa ng nasabing droga.

Sinabi ni Pagdilao, lima hanggang 10-kilo ng shabu bawat araw ang nagagawa sa nabanggit na laboratory, na matatagpuan mismo sa nabanggit na exclusive sub­­division at pagkatapos  ay ipinapakalat ang natu­rang droga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ang mga suspect ay nakakulong ngayon sa NCRPO detention cell, Camp Bagong Diwa, Taguig City at sasampahan ang mga ito ng kasong Comprehensive Dangreours Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with