^

Metro

Lola tinodas ng kawatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 76-anyos na lola ang pinagpapalo ng martilyo sa ulo bukod pa sa pinagsasaksak ito na naging dahilan ng kanyang kamatayan ng hindi pa nakikilalang sala­ring nanloob sa kanyang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Lourdes Alicante-Tolore, biyuda, retiradong accountant at residente ng Kaunlaran Village Brgy. 31 ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen­ sa pagitan ng ala-1 hanggang alas-2 ng madaling araw sa loob ng bahay ng bik­tima. Pinasok umano ng hindi bababa sa dalawang kawatan ang bahay ng ma­tanda sa pamamagitan ng pagdistrungka ng main door nito. 

Umaga na nang matagpuan ng kanyang apong nakilalang si Juan Paolo Tolores, 17, ang  duguang bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay gamit ng nylon cord, may malala­king sugat sa ulo at mukha na natatakpan ng unan.

Sa pagsisiyasat naman ng Scene Of the Crime Ope­ratives (SOCO) ay ilang mga bakas ng kamay ang nakita sa lugar, isang martilyo rin at isang screw driver ang narekober na hinihinalang ginamit ng mga salarin sa krimen.

Nadistrungka naman ang aparador ng biktima kaya ina­alam ng mga imbestigador kung ano ang tinangay ng mga kawatan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with