^

Metro

Recom panalo sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiyak na tiyak na ang pagbabalik ni Cong. Recom Echiverri bilang punong lungsod ng Caloocan City matapos lumabas sa halos lahat ng matinong survey na isinagawa sa siyudad, na ang kandidatong magbabalik ng sigla sa lungsod ang magwawagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa survey ng Innovative Politics.Com o INNOPOL.COM na isinagawa noong April 18 to 22 , ngayong taon, lumabas na nakakuha si Echiverri ng 51 percent sa 18,800 respondents na tinanong habang si Mayor Oca Malapitan ay nakakuha lamang ng 44 percent, nananatiling 5 percent ang wala pang desisyon.

Ayon kay Prof. Ernie Radin, nanguna sa pagsasa­gawa ng survey at pag-aaral, kanilang isinama sa pagtatanong kung sino ang kanilang pipiliin mayor, vice mayor at kung ano ang mga kadahilanan kung bakit nila iboboto ang isang kandidato.

Ayon kay Radin, pinaghati-hati nila ang 18,800 res­pondents sa 188 barangay ng Caloocan City, na kung saan 100 ang tinanong nila kada barangay.

Lumabas sa survey ng INNOPOL.COM, na pinili ng nakararaming residente ng Caloocan si Echiverri dahil nakita nila ang paggalang nito sa mga hinaing at kagustuhan ng tao.

Malinaw sa sagot ng mga respondents, na nagustuhan at ibabalik nila si Echiverri dahil sa palagiang konsultasyon na ginagawa nito sa komunidad upang itanong ang gusto nilang programa at proyekto.

Lumitaw din  na ayaw na ayaw ng mga residente ng lungsod ang isang mala-diktador o “authoritarian style” ng liderato na kung saan ganito nila isinalarawan ang Malapitan administration.

Nakita rin ng INNOPOL.COM, sa sagot ng 18,800 res­pondents na kanilang bubuhatin si Echiverri patungo muli sa city hall dahil sa agaran at mabilis na pag-aksyon nito sa problema ng bawat komunidad at barangay.

Tumatak sa utak ng tao na si Echiverri ay isang lider na mabilis kumilos at hindi teka-teka sa hinaing at problema ng mamamayan dahil agaran nitong isinasakatuparan ang mga pagawain na sa kanya ay hiniling, katulong siya at taumbayan.

Dikit din ang laban para sa pagka-vice mayor ng lungsod matapos makakuha si VM Maca Asistio ng 49 percent habang si Kapitan Ato Oliva ay nakakuha ng 45 percent.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with