^

Metro

4,000 summons naipadala na ng MMDA sa nahuli ng CCTVs

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 4,000 summons na ang naipadala ng Metropolitan Manila De­velopment Authority (MM­DA) sa mga nahu­ling lumabag sa batas trapiko kaugnay sa ipinatupad nitong ‘no-contact appre­hension policy’.

 Nabatid  kay MMDA Chairman Emerson Carlos, sa  ipinatupad nilang polisiya ay nakikitang na­bawasan na ang mga barumbadong nagmamaneho partikular ang mga bus na pahinto- hinto at humaharang sa kalsada.

Sa pamamagitan uma­no nito unti unti nang na­numbalik ang disiplina sa kalsada ng mga motorista partikular ang  public uti­lity vehicles na siyang karamihan sa mga nahuhuli.

Sa ilalim ng ‘no con­tact apprehension policy­’, ga­gamit na lamang ng closed circuit television cameras (CCTVs) sa pag­­huli ng mga pasaway na moto­rista na siyang magsisilbing ebidensiya laban sa mahuhuling mo­toristang lumabag sa batas trapiko.

Sinimulan itong ipatupad noong Abril 15 ng taong kasalukuyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with