^

Metro

Beybi dinukot ng yaya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sanggol na lalaki ang iniulat na dinukot ng isang  yaya, kamakalawa sa Las Piñas City.

Kinilala ang biktimang si Julius Mi­guel, 9-na buwang gulang, ng Kamagong St., Pilar Village ng naturang siyudad.

Ang suspect naman ay nakilalang si Jane Payoyo, 20, tubong Camarines Sur, stay-in yaya sa naturang lugar.

Base sa reklamo ng ina ng biktima na si Jaamica Jenica Perez, 20 sa tanggapan ni Sr. Supt. Jemar D. Mo­dequillo, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa bahay ng pamilya Perez sa Kamagong St., Pilar Village ng naturang siyudad.

Nabatid sa yaya ng biktima na si Vida Frivaldo, ang suspect ay yaya naman ng kapatid ng sanggol.

Ayon kay Frivaldo, kinarga ng suspect ang kanyang alagang sanggol at saka isinakay sa isang kulay puting Hyundai Accent na hindi nakuha ang plaka hanggang sa tuluyang dinukot ito.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with