^

Metro

Rider tumilapon matapos takasan ang checkpoint

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawa ka­tao lulan ng motorsiklo makaraang sumalpok sa isang taxi sa pagmamadali ng mga una na takasan ang isang checkpoint sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni SPO1 Ferdinand Paglinawan ng Quezon City Police Sector 2, ang mga biktima ay nakilalang sina David Labadia, 24, ng Caloocan City at Stepha­nie Fuentes, 20, dalaga ng Batasan Hills, Quezon City. 

Sila ay agad na itinakbo sa East Avenue Medical Center makaraang magtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.

Nangyari ang insidente sa may intersection ng Regalado at Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro sa lungsod, ganap na alas- 2 ng madaling-araw.

Sinasabing sakay ni Labadia si Fuentes galing Almar patungong Sandigan nang madaanan nila ang isang checkpoint ng pulisya.

Sa hindi inaasahan ay biglang humarurot patakas si Labadia dahilan para habulin sila ng pulisya hanggang pagsapit sa nasabing lugar ay salpukin nito ang taxi na minaneho ng isang Roderick Isavedra, 36, ng Montalban Rizal.

Sa lakas ng impact, sabay na tumilapon  ng motorsiklo   ang mga biktima. Nawasak din ang likurang bahagi  ng taxi dahil sa impact.

Inaalam na rin kung bakit tinakasan ni Labadia ang checkpoint ng pulisya na nagsanhi sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with