Kelot todas sa hit ’n run
MANILA, Philippines – Patay ang isang 26-anyos na lalaki nang mabundol ng sasakyan sa Road 10 panulukan ng Capulong Higway sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na isinumite ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Eduardo Balen Y Mariano, may ka-live-in, residente ng GK Compound, Happy Land, Tondo.
Mabilis umano ang pangyayari kaya kahit maraming tao sa lugar ay hindi napansin kung anong uri ng sasakyan ang nakabundol sa biktima.
Posibleng isang 10-wheeler truck ang nakabundol sa bikti-ma dahil matindi ang tama nito.
Sinaklolohan siya ng mga tao at dumating din ang live-in partner na si Myrna, 40-anyos, na nagdala sa pagamutan.
- Latest