^

Metro

Sa paglipat ni Marcelino sa ibang piitan DOJ hindi makikialam

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tanggap ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na huwag makialam sa kahilingan ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino na paglilipat sa kanya ng piitan habang patuloy ang isinasagawang preliminary hearing sa drug charges laban sa kanya.

Aksyon ito ng PDEA sa inilabas na press statement ng DOJ na hindi sila makikialam sa isyu ng kung sino ang may hurisdiksyon, subalit susunod sa mandato na tukuyin kung may probable cause para kasuhan si Marcelino at ang  Chinese national Yan Yi Shuo, na naaresto matapos maabutan sa loob ng isang clandestine shabu laboratory sa Celadon Residences, Sta Cruz, Manila noong nakaraang January 21, 2016.

Si Marcelino na ngayon ay nakaditine sa Bureau of Jail Management and Peno-logy (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Taguig ay humiling kamakailan para mailipat sa kustodiya ng Philippine Navy, sa rasong para sa kanyang seguridad at kaligtasan.

Bilang tugon sa nasa-bing kahilingan, hiniling ng in­vestigating prosecutor sa isang liham na may petsang January 29, 2016 sa BJMP na ilipat ang respondents sa NBI o sa PN headquarters.

Sa sulat naman ng PDEA kay Hon. Theodore M. Villanueva, Senior Deputy State Prosecutor ng DOJ, tinutulan nito ang nasabing liham dahil anya ang piitan sa NBI ay hindi isang regular na jail facility para sa nagkasala sa batas kundi nagsisilbi anya itong temporary lock-up faci-lity, partikular sa kanilang mga naaresto. Dagdag pa na ang atin anyang estado sa kasalukuyan ay bumuo ng isang regular jail facilities sa buong bansa alinsunod sa  Republic Act no. 6975.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with