^

Metro

NCRPO may apela sa mga kandidato, supporters

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kaha­pon si  National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Direc­tor Joel D. Pagdilao sa mga kandidato at mga supporter nito na maging mahinahon upang hindi pagmulan ng karahasan lalu na’t palapit nang palapit ang halalan.

Kaugnay nito, ina­ta­san niya ang mga  district director na higit na paigtingin ang pagpapatupad ng seguridad at magsagawa ng double checkpoint sa buong  Metro Manila para sa ligtas, payapa at patas na halalan ngayong dara-ting na buwan ng Mayo.

Nabatid, na noong Enero 10 ng taong ka­salukuyan, sinimulang ipatupad ang checkpoint sa buong Kalakhang Maynila  sa ilalim ng supervision ng Commission on Election (COMELEC) base sa nakasaad sa Omnibus Election Code, Gun ban.

Dapat aniyang pa­ig­tingin ang checkpoint araw at gabi sa mga lansangan lalu na sa mga area na mataas ang bilang ng krimen.

Lalu rin aniyang pa­ig­tingin ang mahigpit na pagbabantay dahil nag-umpisa na ang kampanya ng mga kandidato.

Nanawagan ang na-turang NCRPO director sa  mga supporter ng mga kandidato na pairalin parati ang kahinahunan upang mapanatili ang kapayapaan.

“Nakikiusap ang inyong kapulisan sa mga kandidato at sa kanilang mga kakampi na maging mahinahon sa panahon ng pangangampanya iwasan ang gumawa ng anumang bagay na pagmumulan ng hindi pagka-kaintindihan,” ani Pagdilao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with