^

Metro

61-anyos na mister, nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 61-anyos na mister na nakakaranas ng sakit sa kidney ang  nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, ng QCPD Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), si Roger Balasa, ng Everlasting St., Brgy. Holy  Spi­rit, ay nagawa pang maitakbo sa ospital, subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay makalipas ang halos 15 oras na gamutan.

Base sa pahayag ng  anak ng biktima na si Annie, nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay, dakong alas-7:55 ng umaga.

Bago ito, natutulog uma­no si Annie sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magising siya sa malakas na putok ng baril mula sa ibaba.

Dahil dito, agad na buma­ba si Annie para tignan ang pinagmulan ng putok kung saan tumambad sa kanya ang duguang katawan ng kanyang tatay habang nakaupo sa sahig at nasa tabi nito ang isang kalibre .38 baril.

Hindi na nag-aksaya pa si Annie at mabilis na humi­ngi ng saklolo sa kanyang kapitbahay para dalhin sa Malvar General Hospital ang kanyang tatay para magamot kung saan sumailalim pa ito sa operasyon pero ma­kalipas ang halos 15 oras ay nalagutan din ito ng hininga, ganap na alas-11:02 kamakalawa ng gabi.

Samantala, kusang isinuko din ni Annie ang kalibre .38 baril na kung saan may laman pa ito ng apat na bala na ginamit ng biktima.

Napag-alaman din na ni­tong nakaraang taon ay na-diagnose ang biktima na may stage 5 chronic kidney di­sease at sumailalim ito sa he­modialysis simula noong January 15, 2016.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with