^

Metro

Solo parent summit inilunsad sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sama-samang inilunsad kahapon ng umaga ng iba’t  ibang opisyal sa lungsod Quezon sa pangunguna ni House Speaker at QC Rep. Feliciano “Sonny” Belmonte,  Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte kasama sina Tesda Secretary at Congressman Joel Villanuena    at Bicol Rep. Leni Robredo ang kauna-unahang ‘‘Solo Parent Summit’’ na ginawa sa Amoranto Theater.

Tampok sa okasyon ang pagkilala sa kahalagahan ng mga solo parent sa pagtataguyod ng buhay ng kani-kanilang pamilya.

“Isali ninyo ako sa solo parent, pero malalaki na ang mga anak ko ng ako’y ma-ging solo parent, kayo na naging mga solo parent ay higit na mapapangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga livelihood programs, edukasyon ng mga anak, discounts sa mga bilihin laluna ng gamot at gatas ng mga anak, kayat kami po sa kongreso ay patuloy na gumagawa ng paraan upang kayo ay masakop ng batas na katulad ng mga senior citizens na may mga benepisyong natatanggap sa gob­yerno”, pahayag ni Speaker Belmonte sa harap ng may mahigit 1,000 solo parent na dumalo sa okasyon.

“Humanap kayo at umisip ng mga praktikal na bagay na puwede naming maibigay, hindi lamang sa papel at sali­ta kundi sa makatotohanang benepisyo, you have to focus to your common sense para maayos ang buhay, iwasan ninyo na dagdagan pa ang problema, kami naman ay patuloy na humahanap ng paraan na matulungan kayo, kung makaka-discount kayo sa mga supermarket o mga pamilihan ay gagawin naming  sa Kongreso” dagdag ni Speaker Belmonte.

Hinikayat naman ni Mayor Bautista ang mga solo parent na huwag nang dagdagan ang bilang ng mga anak dahil may ilan anya na kahit solo parent na ay nadadagdagan pa rin ang bilang kayat nahihirapang makaangat sa buhay dahil sa lumalaking pangangailangan.

“Kaya nga sinasabi ko sa inyo na dapat kayong  palagiang maging matatag ang kalooban, ginagawa natin ang lahat para mabigyan kayo  ng kaukulang proteksiyon at maayos ang pamumuhay at mapagkalooban kayo ng patas na pangangalaga sa lipunan at higit na pansin”, pahayag naman ni Vice Mayor Belmonte na siyang nagsusulong ng Solo Parent project sa QC.

Nagkaroon din ng open forum sa okasyon kung saan marami sa mga solo parent na nasa okasyon ay nagkaroon ng trabaho makaraang sumailalim sa mga kursong  pinangasiwaan ni Villanueva sa Tesda.

Kinilala naman ni Rob­redo ang hirap at pagtitiis ng mga solo parent para sa kapakanan ng mga anak,na gaya anya niya ay naging ganito rin nang maging solo parent makaraang yumao ang asawang si dating DILG Secretary Robrero.

Hinihikayat din ni Vice Ma-yor Belmonte ang iba pang local executives na bigyang pansin din ang pagkakaroon ng mga proyekto para sa mga solo parent para matu­lungang maiangat ang kabuhayan ng mga ito sa kani-kanilang komunidad.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with