^

Metro

Motorsiklo sinalpok ng tanker: Rider lasog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang isang rider, habang sugatan naman ang angkas nito matapos na mabundol ng isang Isuzu tanker sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Andy Sotto ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) ng QCPD Sector 6, nakilala ang nasawi na si Jhon Oscar Begino, 19, binata,  habang sugatan naman ang angkas nitong si Rommel Abit, 27, binata, kapwa helper, at  naninirahan sa Pagkakaisa Compound, Visayas Avenue, ng nasabing lungsod.

Kusang loob naman na sumuko ang suspek na si Victoriano Rollo Jr., 48, driver ng Isuzu Tanker Giga ( RMJ-809) at naninirahan sa   Bataan Road, Garcia Heights, Holy Spirit, Quezon City.

Base sa imbestigasyon nangyari ang insidente sa kahabaan ng  Visayas Avenue, Brgy, Pasong Tamo, dakong alas -12:20 ng gabi.

Binabaybay ng tanker ang nasabing lugar nang  mahagip nito ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima dahilan para tuluyan mawalan ng kontrol ang driver nito at bumangga sa isang Toyota Vios.

Sa lakas ng impact tumilapon ang mga biktima hanggang magtamo ang mga ito ng pinsala sa kanilang mga katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Begino subalit idineklara rin itong dead on arrival habang dinala naman sa Phil. Orthopedic Hospital ang kasama nitong  si Abit kung saan ito nilapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANDY SOTTO

ANG

BATAAN ROAD

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

GARCIA HEIGHTS

HOLY SPIRIT

ISUZU TANKER GIGA

JHON OSCAR BEGINO

NBSP

QUEZON CITY

VISAYAS AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with