^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis na sumaklolo sa ginawang panghoholdap ng nasawi sa dalawang dalaga, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Patuloy na inaalam ngayon ang pagkakakilanlan sa nasawi na nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, maitim, maigsi ang buhok, may tattoo na “Mayor Edward Fernandez” sa likod at nakasuot ng puting sando at maong na pantalon.

Sa ulat ng pulisya, naghihintay ng masasakyang tricycle ang magpinsan na Anna Enriquez, 24; at Christine Enriquez, 26, kapwa ng Pulo Barangka, Mandaluyong City, dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may J. Aguilar Avenue, Brgy. Pamplona Tres, Las Piñas, nang harangin ng salarin at tutukan  ng baril saka  holdapin. Sa takot ng mga biktima, kusang ibinigay nila sa holdaper  ang kanilang bag na naglalaman ng P1,000 at tig - isang cellphone na Cherry Mobile. Nang tumakas ang salarin lulan ng motorsiklo, agad na nagsisigaw sa paghingi ng saklolo at nakuha ang atensyon ng nagpapatrulyang sina PO2s Arturo Castro at Raphael Abuan na humabol sa salarin.

Unang pinaputukan umano ng salarin ang mga pulis na gumanti hanggang sa bumulagta ang salarin.

vuukle comment

AGUILAR AVENUE

ANG

ANNA ENRIQUEZ

ARTURO CASTRO

ATILDE

CHERRY MOBILE

CHRISTINE ENRIQUEZ

LAS PI

MANDALUYONG CITY

MAYOR EDWARD FERNANDEZ

PAMPLONA TRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with