^

Metro

Sa mga station commanders ng QCPD bawal mag-day off ng Sabado at Linggo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bawal muna sa mga station commanders ng Quezon City Police District (QCPD) ang magday-off ng Sabado at Linggo.

 Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Quezon City Police Director P/Chief Supt. Edgardo Tinio, lumabas sa kanilang assessment  o pag-aanalisa na karaniwang may pagtaas ng bilang ng mga krimen simula sa araw ng Biyernes na nadadagdagan pa tuwing weekends .

Ayon kay Tinio, pinatutukan niya sa mga station commanders na mapababa ang kriminalidad sa Sabado at Linggo dahil sa mga araw na ito dumadagsa sa mga malls ang mga pamilya, restaurants at iba pang mga pook libangan.

Samantalang kapag Biyernes ay mga magkakabarkada o magkakaupisina naman ang nasa araw ng gimikan.

Ang ganitong mga  araw ang siyang paborito ng mga kawatan para sila sumalakay.

Dahil dito gagawin na lamang Martes o Miyerkules ang day off ng mga Station Commanders ng QCPD upang matutukan ang pagsupil sa mga masasamang elemento.

vuukle comment

ANG

BIYERNES

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

EDGARDO TINIO

LINGGO

MGA

QUEZON CITY POLICE DIRECTOR P

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SABADO

STATION COMMANDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with